Willie Revillame Binastos si Tita CORY?

Kamakailan lamang ay pumanaw ang tinaguriang INA ng demokrasya sa Pilipinas na si dating Pangulong Corazon Aquino,dahilan upang magluksa ang sambayang Pilipino. Ibat-ibang kinikilalang personalidad mula sa pulitika, kilalang tao sa lipunan,mahirap,mayaman,bata man o matanda ay nag-alay ng kanilang taos pusong pakikiramay sa dating Pangulo.

Mapapansin din na maging sa telebisyon ay matatanaw ang labis na kalungkutan ng sambayanan sa paglisan ng dating Pangulo. Ngunit totoo ba ang kumalat na video sa youtube na nagsasabing binastos daw ni Willie Revilla sa kanyang noontime show na Wowowie ang pagdadalamhati ng bansang Pilipinas sa pagkawala ng dating Pangulo, matapos nitong ipatanggal sa screen ng show ang live news update ng pglibot ng mga labi ng dating Pangulo mula sa La Salle Greenhills patungo sa Manila Cathedral?



Agad din namang humingi ng paumanhin ang naturang host sa mga staff ng show maging sa taong bayan sa kanyang nasabi. Batay sa kanya, hindi lamang maganda para sa kanya na magpasaya ng mga tao sa kanyang show habang ang buong sambayang pilipino ay nagluluksa sa pagkawala ng pangulo.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

1 comments:

JHAWO said...

...now i know best h3 galing updated n me ganun pla un...